Have talent, will earn P1 Million!
Nowadays, sabi nila mabilis nang yumaman at sumikat, basta magpursige ka lang. Sabi nila, ang mga produkto ng mga star searches ay hindi tatagal at malalaos din. Biglang sikat, mas mabilis ang pagbagsak. At sabi nila, hindi na importante ngayon ang long-term planning. Dapat lang daw tayo mabuhay sa "the here and now". Sa panahon ng American Idol, Pinoy Dream Academy, Pinoy Pop Superstar at kung anu-ano pang talent searches, parang totoo nga. Mag-emote ka lang sa camera at mag-iiiyak, pwede ka ng manalo ng isang milyung piso. Para sa mga audience na tulad ko, napakabilis nga nitong "negosyong" ito. Gimik or isang chipipay na istratehiya lang ang kailangan mo para sumikat. Ganyan din ang iniisip ko. Aysus, que bilis.
Pero kahapon ko lang nalaman na hindi pala mabilis. Kahapon ang unang araw ng aming shoot para sa pinakabagong talent search ng GMA at ng Coke. Ito yung ride to fame. Malamang ay hindi nyo pa naririnig ito, o napanuod man lang sa TV dahil medyo manipis at late na kami umere. Pero abangan nyo na rin, sa August 5 na ang aming pilot. Sundays after SOP (papalit ito sa MOVE ni Billy Joe).
Isa itong talent search for the next total performer. Meaning kailangan may galing ka sa pagkanta, pagsayaw at pagsulat ng kanta. May 12 kaming mga finalists. Nung una, akala ko, malamang baka puro mga scouted talents ang makuha namin, pero to be fair, legitimate contestants ito dahil ni isa sa kanila ay walang experience sa ganito. Sabi ni AC ang program manager, ilang araw na rin daw nag-ri-rehearse ang mga bagets ng kanilang mga kanta at sayaw. So ang iniisip, dapat naman marunong at magaling na sila pagdating sa shoot... At dapat masanay na sila. Demanding nga. Dahil syempre isang milyon ang premyo. Dapat naman yata may makuha kami at magaling sila.
Magaling naman sila. Pero makikita mo ang kaba nila. Kahit ang pinka talented sa grupo ay madalas na nagkakamali. Nakailang takes din kami. Ang perfectionist na si Direk ay paulit-ulit na pinagagawa sa kanila ang kanilang production number. Makikita mong napapagod na ang iba sa kanila. Tanghaling tapat, naka jacket, todo make up, hair spray, sing and dance, high heels at chucks, malagkit na mga tao at sandamakmak na makina at ilaw, yan lang naman ang kailangan nilang harapin. Bawat pagkakamali kailangan ulitin. Bawat maling tiempo kailangang maisatama. Mahirap talaga. At bawat take todo-todo ang energy na ibinibigay nila. Said na, kumbaga.
Pati ang costume change, demand ng photographer sa mga magagandang poses, demand ng direktor sa magandang OBB acting, at pag-shuttle in between studio ng schedule sa pag-interview, styling, costume change at pag-ngiti, yan ang kanilang inaatupag. On the side< kailangan di nilang mag-rehearse. Malamang kung ako yun, baka hindi nako tumulak ng shooting ngayon. Matutulog nalang ako.
Pero yun nga. Ang mga bagets ngayon, go go talaga para lang masundan ang pangarap nila. Iba-iba ang kanilang mga pangrap, pero iisa ang pinatutunguhan, ito ang tuparin ang pangarap nilang makakanta, makasayaw at makasulat. Yan ang maging sikat sa mundo ng pagtatanghal. At kahit na anong pag-subok nila, kakayanin nila basta lang maisakatuparan ang mga pangarap. Sila ang mga bagets na umoo sa kanilang pangarap at gagawin ang lahat para mangyari ito. Suportahan natin sila sa kanilang mga pangarap.
Wag kalimutan: Coca-Cola's Ride to Fame will air August 5. Watch kayo!
PS: Ehem, may "cameo" appearance ako dito sa OBB. Sa sobrang cameo, hindi nyo ko makikita....

No comments:
Post a Comment